Patay ang isang lalaki makaraang makulong sa nasusunog nitong bahay matapos umanong masagi ang nakasinding gasera sa Muntinlupa City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Guiller Cinco, nasa hustong gulang, ng Purok 1, Barangay Bayanan ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Muntinlupa Fire Department, dakong 10:00 ng gabi nagsimula ang sunog sa loob ng bahay ni Cinco sa nabanggit na lugar.

Mabilis umanong kumalat ang apoy at nadamay ang 30 bahay na pawang gawa sa light materials.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Sa pahayag sa awtoridad ng kaanak ng biktima, naputulan ng kuryente ang bahay ni Cinco at tanging gasera lang ang ginagamit nito na aksidenteng natabig na naging sanhi ng sunog.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog bago tuluyang naapula, dakong 12:04 ng madaling araw.

Inaalam pa ng pulisya ang kabuuang halaga ng naabong ari-arian. (Bella Gamotea)