Hinarang at sinaksak ang isang babae ng dalawang lasing sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Nagtamo ng sugat sa balikat si Ria Rose Flores, 21, ng 27 Guillermo Street, San Rafael Village, Navotas City, na mag-isang isinugod ang sarili sa ospital upang malunasan.

Sa ulat ni Police Supt. Redentor Ulsano, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, nangyari ang insidente dakong 6:30 ng gabi habang papauwi ang biktima sakay sa kanyang motorsiklo at pagsapit sa Infanta St., sa kanto ng Honorio Lopez, Tondo ay biglang hinarang ng mga suspek ang biktima, kinaladkad, at sinaksak.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad. (Mary Ann Santiago)

Nakonsensyang holdaper, kusang sumuko sa pulisya; ginamit na kutsilyo at baril, laruan lang!