Hulyo 3, 1918 nang mamatay ang Ottoman Empire sultan na si Mohammed V sa edad na 73, sa kasagsagan ng pakikipaglaban ng mga sundalo ng Turkey sa Allied powers noong World War I. Nabigo ang mga sundalong Turkish.
Anim na buwan ang nakalipas makaraang pumanaw ang sultan, nagtagumpay ang Allies sa pag-okupa sa Constantinople, at nagkagulo sa Ottoman Empire.
Nakuha ni Mohammed V ang kanyang trono noong 1909, nang lisanin ng nakatatanda niyang kapatid na si Abdul Hamid ang posisyon sa pamimilit ng partidong Committee of Union and Progress (CUP).
Dahil sa ginawa ng CUP, nawala ang malalaking bahagi ng teritoryo ng Ottoman Empire sa unang bahagi ng 1910s. Ngunit ipinag-utos ng sultan sa kanyang mga tauhan na lupigin ang kanilang “enemies”, kumpiyansang kakampi niya ang Diyos.