BEIJING/AMSTERDAM (Reuters) – Sinabi ng isang international court noong Miyerkules na ibababa nito ang pinakainaabangang desisyon sa kaso ng Pilipinas laban sa China kaugnay sa West Philippine Sea/ South China Sea sa Hulyo 12, na agad na binatikos ng Beijing, na hindi kinikilala ang jurisdiction ng tribunal.

Muli namang binigyang-diin ng United States ang suporta nito sa The Hague-based Permanent Court of Arbitration at hinimok ang mapayapang resolusyon sa iringan.

Kinukuwestyon ng Manila ang historical claim ng China na pag-aari nito ang halos 90 porsiyento ng South China Sea, isa sa pinakaabalang shipping lanes sa mundo. Ilang bansa sa Southeast Asia ang may overlapping claims sa dagat at ang iringan ay nagtaas ng mga pangamba ng military confrontation na maaaring makasira sa pandaigdigang kalakalan.

Sa isang mahabang pahayag matapos inanunsiyo ng korte ang pagbaba ng desisyon sa Hulyo 12, sinabi ni Chinese foreign ministry spokesman Hong Lei na ang ginawa ng Pilipinas ay pagtuya sa international law.

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

"I again stress that the arbitration court has no jurisdiction in the case and on the relevant matter, and should not hold hearings or make a ruling," aniya.

"The Philippines' unilateral lodging of the South China Sea arbitration case is contrary to international law."

Sinabi niya: "On the issue of territory and disputes over maritime delineation, China does not accept any dispute resolution from a third party and does not accept any dispute resolution forced on China."

Sa Manila, sinabi ni dating presidential communications secretary Herminio Coloma Jr. na ang Pilipinas "expects a just and fair ruling that will promote peace and stability in the region".

Inulit ni U.S. state department spokeswoman Anna Richey-Allen ang pagsuporta ng U.S. sa korte. "We support the peaceful resolution of disputes in the South China Sea, including the use of international legal mechanisms such as arbitration."

Sinabi ng official Xinhua news agency ng China na ang korte ay isang "law-abusing tribunal" na mayroong "widely contested jurisdiction." Ayon dito, lalo lamang palalalain ng kaso ang iringan.

"Manila fails to see that such an arbitration will only stir up more trouble in the South China Sea, which doesn't serve the interests of the concerned parties in the least," pahayag ng ahensiya.

Ang kaso "even threatens to further complicate the issue by giving certain parties in the disputes the false impression they could profit by deliberately creating chaos", dagdag ng Xinhua.

Ibinabatay ng China ang pag-aangkin nito sa South China Sea sa tinatawag na "Nine Dash line" na sinasakop ang maritime heart ng southeast Asia at daan-daang pinag-aagawang isla at bahura, mayamang fishing grounds at mga deposito ng oil at gas.