Dalawang dating alkalde sa Mindanao ang iniutos na masampahan ng magkahiwalay na kasong graft sa Sandiganbayan kaugnay ng umano’y kinasasangkutan nilang anomalya sa kanilang nasasakupan.

Si dating Norala, South Cotabato Mayor Romeo Januto ay pinakakasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa maanomalyang pagbili ng mga abono na nagkakahalaga ng P1.8 milyon noong 2005.

Kasama rin sa pinasasampahan ng kaso sina Municipal Accountant Grace Mediana, Municipal Treasurer Carlos Bengil, at Bids and Awards Committee (BAC) Chairman Dominador Escucha, Jr. at miyembro nitong si Victor Balayon.

Ang kaso ay nag-ugat sa resulta ng imbestigasyon ng Commission on Audit (CoA) na hindi dumaan sa public bidding ang kontrata sa RCS Trading (RCS) na isang paglabag sa Government Procurement Reform Act.

Eleksyon

Wendell Ramos, pinuri matapos iurong ang kandidatura bilang konsehal

Ipinag-utos naman ng Office of the Ombudsman na ipagharap ng kasong graft si dating Jose Abad Santos, Davao Occidental Mayor Alex Wangkay dahil sa umano’y iregularidad sa pagbili ng Small Water Impounding Project (SWIP) na nagkakahalaga ng P5 milyon, noong 2009.

Kabilang din sa pinakakasuhan si Roberto Semilla, may-ari ng R. Semilla Construction and Marketing (Semilla Construction), dahil sa pagkakadawit sa usapin.

“The charges were based on the findings of the Commission on Audit that the procurement procedure under Republic Act No. 9184 (Government Procurement Reform Act) was not complied with. The CoA reported that standard bidding documents were not signed; the ‘Invitation to Apply for Eligibility and to Bid’ was not published and posted, and there was no ‘Statement of Work Accomplished’ to support the claim of payment,” ayon sa kautusan ng anti-graft agency.

(Rommel P. Tabbad)