Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng grupo ni dating Manila Councilor Greco Belgica na humihiling na pakilusin ang Office of the Ombudsman para imbestigahan, kasuhan at suspendihin ang mga dapat managot sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ang petition for mandamus ay inihain ni Belgica kasunod ng desisyon ng Korte Suprema noong Hulyo 1, 2014 na nagdedeklarang unconstitutional ang ilang bahagi ng DAP.

Ayon sa Korte Suprema, ang mga hakbang na nais ng mga petitioner na gawin ng Ombudsman ay hindi naman “ministerial” kundi “discretionary acts.”

Sa ilalim umano ng panuntunan ng korte, ang mandamus ay ipinalalabas lamang kapag mayroong malinaw at legal na karapatan na nasasangkot sa kaso; kapag ang respondent ay may tungkulin na gawin ang isang bagay dahil ito ay itinatakda ng batas; kung may kapabayaan sa panig ng respondent na gawin ang isang bagay na iniaatang sa kanya ng batas; kapag ang bagay na kailangang gawin ay “ministerial” at hindi “discretionary”, at kung wala nang malinaw at mabilis na remedyo na maaaring gawin.

Eleksyon

Sara for President? VP Sara, inalis OVP seal sa kampanya; biro niya, palitan daw ng OP seal

Ayon sa hukuman, ang nasabing mga elemento ay hindi matatagpuan sa petisyong inihain ng mga respondent.

Dahil dito, minarapat ng Korte Suprema na ibasura ang petisyon. (Beth Camia)