Iginiit ng isang grupo ng mga eksperto sa international law na hindi mareresolba ang iringan sa West Philippine Sea sa pagitan ng China at Pilipinas sa pamamagitan ng arbitration.
Ang desisyon ng arbitral tribunal na pahintulutan ang isang kasong isinulong ng Pilipinas ay maituturing na kuwestiyonable batay sa talakayan sa ginanap na isang seminar na dinaluhan ng mga eksperto nitong Lunes.
“Because there are so many possible choices regarding how to settle the claims, it will be difficult for a court or an arbitral tribunal to make a proper decision,” pahayag ni Sienho Yee, chief expert ng Institute of Boundary and Ocean Studies of Wuhan University matapos iprisinta ang konklusyon sa 30 eksperto sa isang pulong.
“We also heard the positions by the experts that the tribunal seemed to be manipulating words in its decision (on jurisdiction),” dugtong nito.
Sinabi naman ni Pemmaraju Sreenivasa Rao, dating chairman ng UN International Law Commission, na inilagay ng tribunal ang sarili nito sa alanganing posisyon.
“The tribunal said it would not try to settle sovereignty disputes, but only to determine geological features.
However, the Philippines' claims will eventually lead to the question of who owns it, and the tribunal has no jurisdiction over this matter,” paliwanag ni Rao, na lumahok sa Third UN Conference on the Law of the Sea simula 1973 hanggang 1982.
Ito ay katulad ng opinyon ni Abdul G. Koroma, dating hukom ng International Court of Justice, na sumali rin sa pulong.
“It is stated in the convention that a tribunal will not be entitled, will not have the right to pass judgment on a territorial and boundary dispute, because it has not been equipped; it has not been given competence to do so. You cannot use the jurisdiction of one to determine the other,” paliwanag ni Koroma. (Bella Gamotea)