Hangad ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na matulungan ang daan-daang drug pusher at addict na sumuko sa awtoridad sa nakalipas na mga araw.

Ito ang inihayag ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte dahil na rin sa patuloy na pagdami ng nagtutulak at gumagamit ng ilegal na droga sa lungsod, na halos umabot na sa 1,000.

Aniya, pag-aaralan ng kanyang tanggapan kung paano maisasailalim sa drug rehabilitation program ang lahat ng sumuko sa pagkakasangkot sa droga, sa kabila ng limitadong pondo ng pamahalaang lungsod.

Bilang bise alkalde ng lungsod, si Belmonte rin ang tumatayong chairman ng Anti-Drug Abuse Council.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Aminado rin si Belmonte na sa sobrang dami ng mga sumuko ay nahihirapan silang pagkasyahin ang mga ito sa drug treatment facility ng siyudad na mayroon lamang 150-bed capacity.

Dahil dito, sinabi ni Belmonte na hihingi na rin siya ng tulong sa Department of Health (DoH) upang maisailalim sa rehabilitasyon ang mga nalulong sa droga. (Jun Fabon)