Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa mga residente nito na ligtas sa baha at pagbabara ng mga daluyan sa siyudad ngayong tag-ulan.

Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na pinaghandaan ng pamahalaang lungsod ang pagpasok ng tag-ulan dahil agad tinugunan ang problema ng baha at pagbabara ng mga daluyan.

“Ang pagdating ng panahon ng tag-ulan ay laging nagdudulot ng pangamba sa aming mga residente. Nais naming alisin ang mga pangambang iyan sa pamamagitan ng tamang preparasyon sa anumang maaaring idulot ng tag-ulan,” pahayag ng alkalde.

Iginiit ng alkalde na walang dapat ikabahala ang mga residente dahil bago pa man dumating ang tag-ulan ay gumawa na ng hakbang ang Taguig government para tiyaking walang mangyayaring pagbaha sa implementasyon ng Task Force Flood Control na sinimulan noong Marso.

Usec. Castro, ‘di ikakahiya kung magkamag-anak sila ni France Castro: ‘Siya ay makatao!’

Layunin nitong iiwas sa baha ang mabababang lugar na nagdudulot din ng pagkalat ng dengue.

Daan-daang kawani ng pamahalaang lungsod ang nagtulung-tulong sa paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig.

(Bella Gamotea)