Isang linggo matapos magpatupad ng bawas presyo, kasado na ang panibagong oil price hike ng mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ngayong Martes ng madaling araw.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo 12:01 ng madaling araw ngayong Martes ay magtataas ito ng 75 sentimos sa kada litro ng gasolina, 40 sentimos sa diesel, at 35 sentimos sa kerosene.

Dakong 6:00 ng umaga ngayong araw ay magdadagdag ang Shell at Seaoil ng 65 sentimos sa presyo ng gasolina at 40 sentimos sa diesel.

Bukod pa rito ang 35 sentimos na dagdag-presyo ng Shell sa kerosene.

Internasyonal

Pope Francis, ililibing na sa Abril 26 – Vatican

Asahan na ang pagsunod ng ibang oil company sa kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo.

Ang bagong price increase ay bunsod ng pagtaas ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Nabatid na ang bagong oil hike ay pambawi lamang ng mga kumpanya ng langis sa ipinatupad na price rollback na 65 sentimos sa gasolina at diesel habang 45 sentimos na tapyas sa kerosene nitong Hunyo 21. (Bella Gamotea)