Magandang balita para sa mahihirap na may karamdaman na hindi kayang magtungo sa mga pagamutan dahil ang mobile clinic ng Caritas Manila na ang dadalaw sa kanila.

Ito ang inilahad ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagbabasbas sa dalawang “Clinic In Can” ng Caritas Manila na ipinagkaloob ng US-based Barnabite Heart to Heart Ministry bilang bahagi ng kanilang programa na “Make Sad Eyes Smile” project.

Sinabi ni Tagle na ito ang kongkretong halimbawa ng paghahayag ng awa na may gawa.

“This is really a day of blessing the love of God in the year of mercy become concrete. Alam naman natin na ngayon ay taon ng awa ng Diyos pero yung awa ng Diyos ay laging kongkreto, ang awa ng Diyos ay nasa kanyang gawa at sa araw na ito ay nakikita natin ang isang halimbawa ng awa na may gawa. Yung iba puro awa wala namang gawa, iba naman gawa ng gawa wala namang awa. Kaya ngayon mabuti magkasama ang awa at gawa. Mercy is always accompanied by action. But action alone without mercy becomes sometimes meaningless action,” wika ni Tagle.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Umaasa ang Cardinal na sa pamamagitan ng mga mobile clinic na ito ay maaabot ng Simbahan ang mahihirap na walang kakayahang magtungo sa mga ospital upang magpagamot.

“Thru these clinics we hope that God’s concerned on healing would reach many people if they cannot come to the hospital then the clinic will go to them,” ani Tagle.

Kaugnay nito, malugod na pinasasalamatan ni Tagle si Father Robert Kosek ng Pennsylvania sa kanilang mabungang fund raising project na nagkaloob sa Archdiocese of Manila ng dalawang bagong mobile clinic.

“At just like any act of love those community behind it. Walang kilos ng pag-ibig na isang tao lamang ang gumagawa, laging sama-sama yan, laging sama-sama ang kilos ng pag-ibig. And we thank God for giving us collaborators and friends, who thought for this project who pursued it and now we are seeing the fruits,” aniya pa. (Mary Ann Santiago)