Hindi pa man opisyal na nagbubukas ang Kongreso ay nagpapamalas na ang mga nahalal na kongresista ng kasipagan at dynamism sa paghahain ng de-kalidad na mga panukala sa 17th Congress.

Batay sa alituntunin at regulasyon ng Kamara, tatanggap ang Bills and Index Service ng mga panukala at resolusyon simula sa Lunes.

Preparado na ang mga kongresista sa ihahain nilang mga panukala, habang ang kanilang mga empleyado ay naghihintay na lang sa filing schedule.

May 82 kongresista ang nagkumpirmang maghaharap sila ng mga panukala at resolusyon sa mga unang araw ng sesyon, kabilang ang mga beterano at baguhang mambabatas.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Unang nagpalista para maghain ng panukala sa Kamara ang nagbabalik sa Mababang Kapulungan na si Muntinlupa City Rep. Rozanno Rufino Biazon, kasunod sina Oriental Mindoro 2nd District Rep. Reynaldo Umali, Cebu City 1st District Rep. Raul Del Mar, Davao City 1st District Rep. Karlo Alexei Nograles, Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas III, Diwa Party-list Rep. Emmeline Aglipay-Villar, Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao.

Maghahain din ng kani-kanilang panukala sa Lunes sina Act Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, Negros Occidental 3rd District Alfredo Benitez, Maguindanao 1st District Rep. Bai Sandra Sema, at maraming iba pa. (Bert de Guzman)