Dalawa mula sa mahigit 50 driver ng Airport Shuttle Service, Inc. (ASSI) na may operasyon sa Terminals 1 at 2 ang nagpositibo sa isinagawang drug test sa kanilang hanay.

Sinabi ni ASSI Chairman Romeo Sayaman na sinibak na ang dalawang driver na nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga matapos silang kusang-loob na sumailalim sa drug test sa tanggapan ng ASSI sa dating Nayong Pilipino complex.

“Ginawa namin ang drug testing upang lalong mapabuti ang aming serbisyo sa publiko, kabilang ang pangangalaga sa kanilang kaligtasan at bilang pagsuporta na rin sa kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot,” ayon kay Sayaman.

Aniya, isa pang drug testing ang ikinasa sa susunod na linggo para sa isa pang grupo ng airport taxi driver.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Tiniyak ni Sayaman magpapatuloy ang taunang drug testing para sa mahigit 3,000 driver ng airport taxi na isinasagawa sa pakikipag-ugnayan sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Isinagawa ang drug testing bunsod ng sunud-sunod na insidente ng panggagahasa sa mga babaeng pasahero, na kinasangkutan ng ilang manyakis na taxi driver na namamasada sa Metro Manila. (Ariel Fernandez)