Kahit ilang ulit pang pagsabihan na hindi makabubuti sa kalusugan ang pagkain ng tsitsirya, patuloy pa rin ang pagkain ng kabataan nito. Bakit kaya?
Ayon kay Philippine Heart Association (PHA) Director Orlando Bugarin, hindi makaiwas ang kabataan sa tsitsirya dahil sa katakam-takam na kulay, nakaaadik na lasa, at maituturing na status symbol na kaakibat nito.
“Children are too young to appreciate the benefits of junk foods- and soda-free diet and [too young] to understand the hazards of poor food choices,” ani Bugarin.
Isa pang dahilan ay ang pangungunsinti ng mga magulang sa pagbili ng junk food sa mga grocery upang mapasaya lang ang kanilang anak, ayon naman kay incoming PHA President Raul Lapitan.
“Working parents give in to their children’s cravings for their food preferences. Stop those trips to popular fast food chains of the nearby grocery for some chips, fries, soda, and juice in tetra packs,” aniya.
Dahil dito, pinaalalahanan ng mga eksperto ang mga magulang na pangalagaan ang kalusugan ng kanilang anak.
Tinagubulinan din ng mga doktor ang publiko na kuman ng limang serving ng prutas at gulay kada araw, bawasan sa dalawang oras ang panonood ng telebisyon at paggamit ng gadget, gawing regular ang isang oras na pag-eehersisyo, umiwas sa mga softdrinks, at tigilan ang paninigarilyo.
Ayon sa mga health expert, ang mga junk food ay puno ng transfat, na maaaring magpataas sa cholesterol level sa katawan. Ito ang pinagmumulan ng diabetes, high-blood pressure at maging stroke. (Charina Clarisse L. Echaluce)