Kasabay ng pagtugis sa mga sangkot sa ilegal na droga, puntirya na rin ngayon ng incoming Duterte administration ang mga illegal recruiter sa bansa bilang bahagi ng malawakang kampanya nito laban sa mga organized crime group.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni incoming Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III na plano ng administrasyong Duterte na mangalap ng pondo bilang pabuya sa mga makapagtuturo sa mga illegal recruiter na bumibiktima, hindi lamang ng mga overseas Filipino worker (OFW) kundi maging ng mga naghahanap ng trabaho sa Pilipinas.

“One of the first thing I will do (once I assumed my post) is to announce we will be handing rewards to organizations or individuals, who will be able to give us information on illegal recruiters,” pahayag ni Bello.

“This (illegal recruitment) has to stop and its perpetrators jailed,” dagdag ng kongresista ng 1-BAP Party-list.

National

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP

Aniya, nakipagpulong na siya sa mga overseas employment agency at pumayag na ang mga ito na mag-ambag para sa reward money laban sa mga illegal recruiter.

Ito ay matapos hilingin ni outgoing DoLE Secretary Rosalinda Baldoz kay Bello na habulin ang mga illegal recruiter at papanagutin ang mga ito sa batas.

Aniya, nakatatanggap ang DoLE ng 400 hanggang 500 kaso ng illegal recruitment kada taon. (SAMUEL P. MEDENILLA)