Inihayag ni incoming Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Lieutenant General Ricardo Visaya na mahalagang tutukan sa modernisasyon ng militar ang pagbili ng mga gamit para sa internal security operations kaysa pagdepensa sa teritoryo.
Ang pahayag ni Visaya ay bilang suporta sa sinabi kamakailan ni President-elect Rodrigo Duterte na pagsasayang lang ng pera ang pagbili ng bansa ng mga fighter jet mula sa South Korea.
“The modernization will continue but he (Duterte) would like to start, to strenghten the internal operations capability,” ani Visaya.
Kabilang sa mga ito ang pagbili ng mga sopistikadong helicopter na makalilipad kahit sa gabi, at mga fastcraft.
Kaugnay nito, inihalimbawa ni Visaya ang kabuguan ng militar na mahabol ang mga dumukot sa dalawang Canadian, isang Norwegian at isang Pinay sa isang resort sa Samal Island noong Setyembre 2015.
Gayunman, sinabi ni Visaya na magpapatuloy ang upgrade sa external defense ng bansa dahil naaprubahan na ang mga programa para rito at kinukumpleto na lang, gaya ng mga fighter jet na may 10 pa ang ide-deliver. (Aaron Recuenco)