Inihayag ng Philippine National Police (PNP)-Crime Laboratory na kailangan nila ng karagdagang mga tauhan, partikular na ang Scene of the Crime Operations (SOCO) na rumeresponde kapag nauuwi sa karahasan o patayan ang mga anti-illegal drug operation ng pulisya.

Inamin si PNP Crime Lab director, Chief Supt. Emmanuel Arañas na naging abala ang kanilang tanggapan simula noong Mayo 10, o pagkatapos ng eleksiyon.

Aniya, nangangailangan ng karagdagang mga tauhan ang PNP Crime Laboratory lalo na ngayong magsisimula na ang administrasyong Duterte, dahil tiyak na mas marami silang rerespondehan kapag naisakatuparan ang banta na pagpatay sa mga sangkot sa ilegal na droga na papalag sa pagdakip.

Sa nakalipas na mga araw ay halos araw-araw na may naaaresto o napapatay na drug suspect kasunod ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga sa iba’t ibang panig ng bansa.

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo

Sinabi ni Arañas, bukod sa pagkaabala sa mga kaso ng napapatay na drug traders, abala rin, aniya, ang PNP Crime Lab sa mga kaso ng pagpaslang sa mga magnanakaw.

Aniya, sa kasalukuyan ay mahigit 1,300 lang ang tauhan ng PNP Crime Lab sa buong bansa. (FER TABOY)