Isang lalaki, na sinasabing miyembro ng Sputnik gang, ang namatay matapos pagbabarilin ng kanyang “kakosa” dahil sa umano’y gulangan sa “partihan” ng mga nakulimbat nilang gamit at cash mula sa mga hinoldap nila sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Dead on the spot si Romeo Lumagbas, 22, alyas “Rom-rom”, residente ng Building 27, Unit 104, Permanent Housing, Tondo, dahil sa tinamong dalawang tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan at dibdib.

Samantala, nakatakas naman ang suspek na nakilala lamang sa pangalang “Bunso”, 22, kapitbahay ng biktima sa Permanent Housing compound.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO3 Jorlan Taluban, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, na nangyari ang insidente dakong 9:45 ng umaga sa Riverside Street sa Vitas, Tondo.

Eleksyon

Alice Guo, hindi na raw tatakbo sa 2025 elections: 'Linisin ko po muna sarili ko'

Naglalakad ang biktima nang barilin siya sa likod ng suspek at nagawa pa rin niyang manlaban pero muli siyang pinaputukan, na nagresulta sa pagkamatay niya.

Posible umanong onsehan sa partihan ng kanilang nakulimbat ang dahilan sa pagpatay ngunit iniimbestigahan pa ito ng awtoridad. (Mary Ann Santiago)