BIGYAN natin ng emergency power si incoming President Rodrigo R. Duterte upang masolusyunan ang tumitinding daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Hindi kataka-taka na ang susi sa maunlad na ekonomiya ay industriyalisasyon ngunit kinakailangan nating unahin ang ating food security para sa mga nagugutom. Suportahan natin ang programa ni incoming Agriculture Secretary Manny Piñol upang magkaroon ng sapat na supply ng pagkain.

Sa kanyang talumpati bago magtipun-tipon ang mga mamamahayag sa Iba, Zambales na inorganisa ng Central Luzon group ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI), pinagdiinan ni Zambales Congressman Sherlyn Deloso Montalla na kinakailangan ang agarang pagsasaayos sa Zambales na nasira dahil sa iresponsableng pagmimina, iba’t ibang kalamidad, at pananamantala ng mga tao. Pinakiusapan niya ang mga mamamahayag na suportahan ang proyekto ng susunod na administrasyon patungo sa pagbabago at reporma.

Kasama ang mga aktibong miyembro ng Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines, Inc. (FPPCPI), kabilang ang president nito na si Allan T. Sison, kami ay dumalo sa Zambales media event. Umaasa kami na matatapik ng paparating na Malacañang communication group ang mga mamamahayag sa probinsiya para sa umaapaw na campaign information upang maipaalam sa ating mga kababayan ang mga plano ng Duterte administration.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Kapistahan ngayon ni John the Baptist. Siya ang patron Saint ng iba’t ibang simbahan sa buong mundo, partikular na sa Canada, Jordan, Puerto Rico, Knights Hospitaller ng Jerusalem, Newfoundland, Cesana, Florence, Genoa, Monza, Perth (Sotland), Porto, San Juan, Turin, at ang Pilipinas.

Sa Pilipinas, ang kapistahan ni St. John the Baptist ipinagdiriwang sa San Juan City, Batangas, Tondo, sa Kalibo, Aklan at iba pang bahagi ng bansa. Ito ang dahilan kung bakit ang mga isinilang ng Hunyo 24 ay pinangalanang Juan, kabilang na ako sa mga ito.

Noong unang siglo, iginagalang si John the Baptist bilang isang major religious figure sa Christianity, Islam, ang Baha’tMandaeaism, siya ay tinatawag na propeta.

Samantala, natuwa ako at aking pamilya sa pagbati ni dating President Fidel V. Ramos para sa aking kaawarawan ngayong araw.

Narito ang bahagi ng kanyang mensahe:

“Not everyone has been so blessed to be able to look back upon a fulfilling life – knowing what you planted and patiently nurtured has produced a rich harvest of good for you and your family, our country and people.

“It is said that life begins at 40. Therefore, one who is fortunate to live beyond age 81 may said to be “born again plus more” – which would indicate the deep appreciation for you by God Almighty.”

Salamat, Mr. President. (Johnny Dayang)