Nag-isyu ang Korte Suprema ng Writ of Kalikasan kaugnay ng operasyon ng limang minahan na inaakusahang nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan sa Sta. Cruz, Zambales.

Kasama sa inisyuhan ng Writ of Kalikasan ang Benguet Corporation Nickel Mines, Incorporated; Eramen Minerals, Incorporated; LNL Archipelago Minerals, Incorporated; Zambales Diversified Metals Corporation; at Shangfil Mining and Trading Corporation.

Sa petisyong inihain ng mga residente ng Sta Cruz, inireklamo nila ang limang minahan sa pagkasira sa ecosystem ng Sta. Cruz at ng katabi nitong bayan ng Candelaria; polusyon sa tubig at hangin; at pagkawasak ng irrigation system sa Sta. Cruz, na nakaapekto sa produksiyon ng palay sa lugar at naging dahilan din para mawalan ng pinagkakakitaan ang mga residente sa nasabing bayan.

Kaugnay nito, inatasan din ng Korte Suprema ang Court of Appeals (CA) na magsagawa ng pagdinig sa kaso at atasan ang mga respondent na maghain ng verified return sa loob ng 10 araw.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Pero paglilinaw ni Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng SC, walang inisyung temporary environmental protection order ang hukuman laban sa operasyon ng limang minahan. (Beth Camia)