Isasama na ang financial education sa basic education curriculum sa buong bansa sa pagpapatupad ng Senior High School (SHS) program.

Sinabi ng Department of Education (DepEd) na ang mga estudyanteng Pilipino ay magkakaroon ng maagang simula sa financial literacy at matututo ang mga estudyante ng SHS ng “financial management and investment by the time they graduate.”

Umaasang magkakaroon ng employable high school graduates sa loob ng dalawang taon, sinabi ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Dina Ocampo na ito ay “timely and important to begin the department’s involvement by developing a series of financial literacy modules for SHS students.”

Ang mga module, banggit niya, ay ituturo sa isa o dalawang oras na session isang beses kada linggo. Direktang makikinabang sa bagong asignatura ang mga estudyante na magpapasyang magsimula ng negosyo matapos ang high school.

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo

Ibabatay ang financial education curriculum ng DepEd sa Organization for Economic Co-operation and Development’s Program for International Student Assessment financial literacy assessment framework, at isasama sa mga asignatura sa Kto12 na nagtuturo ng mga kaugnay na competency, gaya ng Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan at Technology and Livelihood Education. (Merlina Malipot)