Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng pagsabog ng bomba na ikinasugat ng anim na pulis at dalawang sibilyan sa isang compound, sa kasagsagan ng kapistahan ng Maasim, Sarangani, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ng Maasim Municipal Police Station (MMPS), nakilala ang mga biktimang sina Insp. Danilo Abayata, deputy chief of police ng MMPS; PO1 Almasir Tingkasan; PO1 Romel Bedua; PO2 Rowel Sobretodo; PO2 Mark Naya; at PO3 Sukram Sugod.

Nangyari ang insidente dakong 8:00 ng gabi nitong Lunes sa isang liwasan sa Maasim, na roon ipinagdiriwang ang 9th Kestebeng Festival.

Ayon sa mga saksi, isang lalaki na lulan sa motorsiklo ang naghagis ng bomba sa lugar bago tumakas.

National

PCO, kinumpirmang sina PBBM, FL Liza sumagot sa hospital bills ni Nora Aunor

Dalawang sibilyan ang nasugatan din sa naturang pagsabog. 

Malaki ang hinala ng imbestigador na posibleng paghihiganti ang motibo sa insidente. (Fer Taboy)