Apat na katao na hinihinalang drug pusher ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Vitas, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Ricardo Mapa, alyas Milo, 47, miyembro ng Commando Gang, at residente ng 2407 Vitas, Tondo, Manila, na panglima sa listahan ng Top 10 drug personality ng Manila Police District; Edward Ygrubay, alyas “Poknat”, 28, miyembro ng Sputnik Gang; Rex Matbagon, 36; at Marivic Almoguerra, 50 anyos.

Sa ulat ni Supt. Redentor Ulsano, station commander ng MPD-Station 1, dakong 8:40 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa Everlasting Street sa Vitas, Tondo, habang nasa aktong inaabot ang marked money sa isang police agent na bumili ng shabu.

Nasamsam ng mga pulis sa mga awtoridad ang pitong sachet na naglalaman ng shabu at isang .38 caliber revolver.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Mary Ann Santiago)