Binawian ng buhay sa pagamutan ang isang pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga matapos makipagbarilan sa awtoridad sa isang anti-drug operation sa Taguig City, nitong Linggo.
Idineklarang dead on arrival sa Taguig-Pateros District Hospital si Teng Kamad, alyas “Allen Kamad”, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa ulat ng natanggap ng Southern Police District (SPD), pasado 1:00 ng hapon kamakalawa nang nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR), sa pamumuno ni Senior Supt. Ronald Lee, sa Macopa Street, Panam Village, Barangay Pinagsama, Taguig City.
Target ng operasyon ng pulisya ang grupo nina Wilson Polo, Samra Kamad at Teng matapos ang ilang linggong surveillance dahil sa pagtutulak umano ng shabu sa lugar.
Hindi na naabutan ng awtoridad sina Polo at Samra subalit na natiyempuhan si Teng na umano’y pinutukan sila ng baril kaya napilitang gumanti ang awtoridad.
Lumitaw sa record ng pulisya na si Teng ay may nakabimbing warrant of arrest dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Bella Gamotea)