Nababahala na ang mga eksperto sa kalusugan sa sobrang pagkain ng mga Pinoy ng junk food o tsitsirya.

“(Junk food binging) is quite prevalent not only in the Philippines but in the world due to changes in eating behavior and lifestyle brought about by urbanization and globalization,” sabi ni Philippine College of Physicians (PCP) Foundation President Tony Leachon sa panayam.

Aniya, maaaring magdulot ang sobrang pagkain ng junk food, partikular ang chips at softdrinks, ng sakit sa dumaraming Pinoy.

Base sa pag-aaral ng mga medical expert, karaniwang karamdaman na dulot ng sobrang pagkain ng junk food ang obesity, diabetes, hypertension, gall bladder stones, fatty liver at iba pang may kinalaman sa kondisyon ng puso.

Eleksyon

Bong Go, nanguna sa senatorial survey ng SWS

Dahil dito, sinuportahan ni Leachon ang plano ni incoming President Rodrigo Duterte na patawan ng karagdagang buwis ang mga junk food.

Matatandaang sinuportahan din ni incoming Finance Secretary Carlos Dominguez ang panukala ni Duterte na dagdagan ang buwis sa tsitsirya, gaya ng alak at sigarilyo, upang bawasan ng publiko ang pagkonsumo sa mga ito at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit. (Charina Clarisse L. Echaluce)