Hinikayat ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang mga residente sa lungsod na makilahok sa Metro-wide shake drill sa Hunyo 22, na pangungunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) (MMDA) bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.

Bilang bahagi ng lokal na pamahalaan sa earthquake drill, naghanda ang pamahalaang lungsod ng isang matinding senaryo sa pagguho ng Alabang Viaduct dahil sa kunwaring pagtama ng 7.2 magnitude na lindol sa Muntinlupa.

Ayon kay Teresita Navarro, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Muntinlupa City Hall, ang Disaster Risk Response Management Office ng lungsod ang magsasagawa ng rescue o pagsagip sa mga kunwaring biktima ng pagguho ng tulay sa lugar.

Dakong 9:00 ng umaga sa Hunyo 22, isang minutong patutunugin ang malakas na sirena bilang hudyat ng pagsisimula ng shake drill.

Eleksyon

'Vote straight sa Alyansa, panawagan ni Mayor Abby Binay: 'Kailangan ikakampanya lahat!'

Pinaalalahanan ang publiko, partikular ang mga motorista, na huwag mag-panic o mangamba sa makikitang senaryo sa naturang lugar dahil bahagi lamang ito ng drill. (Bella Gamotea)