TORONTO (Reuters) – Sinabi ng pamilya ng Canadian na pinugutan ng grupo ng mga militanteng Muslim sa Pilipinas noong Martes na suportado nila ang polisiya ng gobyerno ng Canada na hindi magbabayad ng ransom sa mga kaso ng kidnapping.
Kinumpirma ng Pilipinas noong Martes ang pagkamatay ni Robert Hall, na dinukot ng Abu Sayyaf sa isang isla sa katimogan ng bansa kasama ang tatlong iba pa noong Setyembre 2015.
Kinondena ni Prime Minister Justin Trudeau noong Lunes ang pagpatay, ngunit idiniin rin na hinding-hindi magbabayad ang Canadian government ng ransom sa mga ganitong kaso dahil maghihikayat lamang ito ng mga karagdagang pagdukot.
“Our family, even in our darkest hour, agrees wholeheartedly with Canada’s policy of not paying ransom,” sabi ng pamilya Hall sa isang pahayag.
“We stand with the ideals that built this country; strength of character, resilience of spirit, and refusal to succumb to the demands of the wretched.”