Pinag-aaralan ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawakin ang biyahe ng premium point-to-point (P2P) buses sa mga lalawigan malapit sa Metro Manila.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, layunin nitong magkaloob sa mga commuter ng mabilis at maginhawang biyahe papasok at palabas ng Metro Manila.
“It must be expanded from the east coming from Antipolo or municipalities of Rizal, and from the north coming from Bulacan and from the west. This will promote efficiency time and energy saving,” ani Ginez.
Ayon sa kanya, ang P2P buses ay pinatatakbo ng mga pribadong kumpanya ng bus, na may 50 unit na may roundtrip route mula sa Quezon City hanggang Makati City, Ortigas hanggang Makati, at Alabang hanggang Makati.
Kapag naipatupad na, aniya, ito, magkakaroon na ng maayos na dispatching system ang Metro Manila, lalo na sa peak hours na karamihan sa commuters ay nai-stranded sa kalsada. (Rommel P. Tabbad)