Aabot na lang sa 14 ang bilang ng bagyong posibleng pumasok sa bansa ngayong taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni Anthony Lucero, weather specialist ng PAGASA, na mula sa dating 17 bagyo, ibinaba na ng ahensiya ang bilang na ito dahil sa nararanasang El Niño sa bansa.

Ang naturang mga sama ng panahon ay inaasahang mararanasan mula ngayong Hunyo hanggang sa Nobyembre.

Nilinaw ni Lucero na ang average ng cyclone na pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bawat taon ay nasa 19-20, ngunit aabot lang sa 15 bagyo ang pumasok sa bansa noong 2015. (Rommel P. Tabbad)

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo