Isinasailalim na sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman si Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala at apat pang opisyal ng kagawaran kaugnay ng garlic cartel scam.

Ito ay bunsod ng reklamong isinampa ng field investigator ng anti-graft agency dahil sa natuklasang profiteering, hoarding at mala-cartel na aktibidad umano para sa naturang produkto.

Nabatid na una nang inatasan ng Department of Justice (DoJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang usapin.

Bukod kay Alcala, isinasalang na rin sa imbestigasyon ang apat na opisyal ng Bureau of Plant Industry (BPI) na sina Clarito Barron, Merle Palacpac, Jesus Bajacan at Luben Marasigan.

Internasyonal

Pope Francis, may inelbow na Cardinal; hindi raw pwedeng sumali sa conclave?

Iniimbestigahan na rin ng Ombudsman si Lilia Cruz, ang kilalang incorporator ng Vegetable Importers, Exporters and Vendors Association of the Philippines, Inc. (VIEVA).

Matatandaang pumutok ang usapin noong 2014 hanggang sa maglabas ng findings ang NBI noong 2015 at binanggit na may nangyayaring monopolyo ng bawang kaya nakakapagmando ng presyo ang mga negosyanteng sangkot sa usapin.

(ROMMEL P. TABBAD)