Pinigil ng Supreme Court ang pagpapalabas at pamamahagi ng 700,000 plaka ng sasakyan na kinumpiska ng Bureau of Customs (BoC).

Sa temporary restraining order (TRO) na inilabas kahapon, inatasan ng SC ang Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation and Communications (DoTC) na itigil ang pamamahagi ng 300,000 pares ng vehicle license plates at 400,000 motorcycle license plates na inilipat sa ahensiya ng BoC noong Abril 15, 2016.

Kinumpiska ng BoC ang mga nasabing plaka matapos mabigo ang manufacturer nito, ang joint venture ng Power Plates Development Concepts Incorporated at J. Knieriem BV Goes, na magbayad ng buwis at customs duties na aabot sa P40 million.

Ang plea for restraining order ay hiniling nina Jonathan dela Cruz at Gustavo Tambunting.

Internasyonal

Pope Francis, tinig ng awa, habag, at pag-asa —Pangilinan

Sa kanilang petisyon, sinabi nina Dela Cruz at Tambunting sa SC na naglabas ang Commission on Audit (CoA) ng Notice of Disallowance noong Hulyo 13, 2015 kaugnay ng Motor Vehicle License Plate Standardization Program ng LTO. Nakasaad dito na inaatasan ang DoTC at LTO, at ang joint venture na ibalik at dalhin sa Bureau of Treasury ang advance payment na ibinayad ng LTO para sa mga plaka na nagkakahalaga ng P477.9 milyon.

Sa bisa rin ng notice of disallowance, hindi maaaring i-donate ng BoC ang mga kinumpiskang plaka sa LTO.

Agad na ipatutupad ang TRO at mananatili ito hanggang hindi binabawi ng SC. (BETH CAMIA)