Susugpuin ni incoming Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay ang kurapsiyon sa kawanihan.
Sa panayam, ipinangako ni Dulay na aalisin niya ang lahat ng oportunidad ng kurapsiyon sa BIR kasabay ng pagpapabuti sa pagkolekta ng buwis at pag-aaralan din ang umiiral na regulasyon nito.
Una nang inihayag ni Dulay na hindi pa rin siya makapaniwala nang italaga siya ni President-elect Rodrigo Duterte bilang susunod na BIR chief.
“They know me for being religious and spiritual,” pahayag ni Dulay, tinukoy ang pagiging volunteer sa mga Church group sa nakalipas na mga dekada.
Papalitan ni Dulaysi BIR Commissioner Kim Henares.
Matatandaang ipinagmalaki kamakailan ni Henares naabot na ng BIR ang target tax collection nito na P1 trilyon.
Sa taong ito, puntirya ng BIR na makakolekta ng P2 trilyon. (Rommel P. Tabbad)