Isang fire volunteer ang isinugod sa pagamutan makaraang aksidenteng mahulog sa fire truck sa kainitan ng pagresponde sa nasusunog na bahay sa Makati City, kahapon ng umaga.

Isinugod sa Ospital ng Makati (OsMak) si Carlos Sinang, miyembro ng Guadalupe Nuevo Fire Volunteer, dahil sa pagkakahulog mula sa fire truck.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Fire Department, dakong 8:18 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa extension ng bahay sa may swimming pool sa Barangay Bel-Air, na pag-aari ni Zandra Kelmar, isang Indian.

Mabilis na kumalat ang apoy sa lugar na umabot sa ikalawang alarma bago ito tuluyang naapula bandang 9:20 ng umaga.

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

Nabatid na sa pagresponde ng mga bombero ng Guadalupe Nuevo ay hindi namalayan na may mataas na hump sa lugar at

aksidenteng tumilapon sa fire truck at minalas na mahulog.

Agad na dinala ng Makati Rescue team ang biktima sa naturang pagamutan na ngayon ay maayos na ang lagay.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa sunog. (Bella Gamotea)