Inihayag ng Embahada ng Pilipinas sa Doha na nasa 15 overseas Filipino worker (OFW) na nakakulong dahil sa iba’t ibang krimen ang pinagkalooban ng pardon sa Qatar.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, bilang bahagi sa paggunita ng mga Muslim sa banal na buwan ng Ramadan, ipinagkaloob ni Qatari Amir Shaikh Tamim bin Hamad al-Thani ang royal clemency sa 15 Pinoy inmate na hindi binanggit ang mga pangalan.

Kabilang sa mga pinalayang Pilipino ay napagsilbihan na ang mahalagang bahagi ng kanilang sentensiya sa piitan.

Karaniwang nag-iisyu ng pardon ang Emir dalawang beses sa isang taon, sa panahon ng Ramadan at ng Qatari National Day sa Disyembre.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Search and Follow-up Department sa ilalim ng Qatar’s Ministry of Interior para sa repatriation ng mga pinalayang Pilipino. (Bella Gamotea)