Isang 57-anyos na empleyado ng Malacañang ang natagpuang patay sa isang silid sa Engineering Department ng Malacañang Complex sa San Miguel, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO3 Bernardo Cayabyab ang biktimang si Redante Serrono, mechanic–driver, at residente ng Romualdez Street, Katarungan Village, Muntinlupa City.

Sa imbestigasyon ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), dakong 6:00 ng umaga nang matuklasang walang buhay ang biktima ni Joseph Brano, 54, aircon-technician ng Malacañang motorpool.

Tinangka pang gisingin ni Brano si Serrano para mag-bundy clock hanggang sa matuklasan niyang wala na itong pulso.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Huli umanong nakitang buhay ang biktima dakong 10:00 ng gabi habang nanonood ng telebisyon.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral upang sumailalim sa awtopsiya. (Mary Ann Santiago)