Tatlong batas sa paggawa, kabilang na ang panukalang Anti-Age Discrimination Act, ang kabilang sa mga unang batas na inaasahang lalagdaan ni incoming president Rodrigo Roa Duterte sa mga unang araw niya sa Malacañang.

Inaasahan ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, chairman ng House Committee on Labor ang paglalagda sa Anti-Age Discrimination Law, ang panukalang Jobstart Law, at panukalang pagpapalawak sa Republic Act 9547 o mas kilala bilang Special Program for Employment of Students Law sa mga unang araw ng administrasyong Duterte.

“These three laws have yet to be transmitted to Malacañang and with only a few days before the historic inaugural of President Duterte, I believe that the measures will be among the first laws which he will sign into law. I’m just happy that these laws came from my Committee,” wika niya.

May kabuuang anim na panukalang batas sa paggawa ang ipinasa ng panel ni Nograles at kamakailan ay nilagdaan upang maging batas sa ilalim ng administrasyong Aquino.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Ang panukalang Anti-Age Discrimination Act ay nagbabawal at nagpaparusa sa mga employer na maglathala o magpaskil ng patalastas na naglalagay ng age preferences, nag-oobliga sa mga aplikante na ideklara ang kanilang edad, at tanggihan ang application o sibakin ang empleyado dahil lamang sa kanilang edad.

Ang panukalang Jobstart Law naman ay naglalayong gawing institusyon ang JobStart Philippines Program ng labor department upang matulungan ang mga nakatambay na kabataan na makahanap ng trabaho sa paghahasa sa kanilang kaalaman at kahusayan na nakuha sa formal education o technical training.

Layunin ng panukalang batas na sakupin ang halos 70,000 JobStart program beneficiaries pagsapit ng 2020, sabi ni Nograles.

Ipinaliwanag niya na ang mga pagbabago sa RA 9547, o kilala bilang “Act Strengthening and Expanding the Coverage of the Special Program for Employment of Students (SPES)” ay naglalayong palawakin ang mga umiiral na programa ng pamahalaan upang obligahin ang mga indibiduwal o kumpanya na mayroong 10 tauhan na maaaring kumuha ng mahihirap ngunit karapat-dapat na mga estudyante, out-of-school youth, dependents ng displaced workers o would-be displaced workers dahil sa pagsara ng negosyo o pagtigil ng paggawa, sa layuning ipatala sila sa alinmang secondary, tertiary, technical-vocational institutions.

“Under the proposal, students employed in activities related to their course may earn equivalent academic and practicum or on-the-job training credits as may be determined by the appropriate government agencies,” aniya.

(Charissa Luci)