Naghain ng kasong kriminal at administratibo ang isang operator ng mga fishing boat sa Manila Bay laban sa isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) maritime unit at tatlong iba pa sa Southern Luzon dahil sa umano’y pangongotong at pananakot.

Kinilala ng negosyanteng si Danillo Ang ang mga respondent na sina Senior Supt. Randy Q. Peralta, SPO2 Agalito I. Esguerra, SPO2 Lauro Aala, at retired police officer Danilo de Belen.

Sa kanyang reklamo, hiniling ni Ang na makasuhan at agad na suspendihin sa serbisyo ang mga akusado upang hindi na nila magamit ang kanilang posisyon para takutin ang mga testigo laban sa kanilang pangongotong.

Sinabi ni Ang na itinigil na niya ang fishing operation sa Manila Bay matapos kumpiskahin at kasuhan ng apat na respondent ang kanyang dalawang bangkang pangisda—ang F/B Dan Israel Y at F/B Dan Israel N nitong Mayo 18 at 23.

National

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP

“The fishing boats have completely stopped operations, affecting the livelihood of more than 5,000 impoverished fishermen and their families as well as allied fish workers such as boat repair men, net menders and fish haulers,” aniya.

Sinabi pa ng negosyante na nagalit ang mga suspek nang hiniling niya na babaan ang P20,000 buwanang “taripa” sa kada bangka.

“Huwag ka nang mag-hanapbuhay kung hindi mo kaya ang hinihingi ko. Ipahuhuli kita at hindi mo na makukuha ang bangka mo kahit kailan,” ayon kay Ang ay sinabi sa kanya ng mga suspek.

“The Maritime Police arbitrarily arrested and detained the boat captain and 16 crew members of F/B Dan Israel Y. The fishermen are yet to be charged in court for alleged violations,” saad sa reklamo ni Ang. (Jun Ramirez)