DAVAO CITY — Sumasang-ayon ang Sangguniang Panlunsod sa panukala ni incoming Finance Secretary Sonny Dominguez na buwisan ang mga “junk food” o tsitserya upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral hindi lamang sa siyudad na ito, kundi maging sa buong bansa.

Kasabay nito, isinusulong ng lokal na komite sa edukasyon na ipagbawal ang pagtitinda ng ganitong uri ng pagkain sa mga lugar malapit sa paaralan.

“I am in favor of the proposal to impose tax on junk food,” pahayag ni Councilor Rachel Zozobrado, kaugnay sa panukala ni Dominguez.

“This way, the said items will be more expensive and slowly eradicate the cravings of its consumers.” dagdag ni Zozobrado.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Naniniwala si Zozobrado na walang sustansiyang makukuha ang kabataan sa mga tsitserya.

Samantala, umaasa si Education Committee Chairperson Maria Belen Acosta na pormal na ieendorso ng national government ang pagpapataw ng karagdagang buwis sa junk food items.

“Taxes on food items that cause obesity and disease are in our sights. If a product causes health issues, I think people should be discouraged from using it,” sambit ni Dominguez hinggil sa naturang isyu. (Yas Ocampo)