Patay ang isang mangingisda matapos pagbabarilin ng kanyang mga kaibigan sa kasarapan ng kanilang inuman sa Navotas City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Juni Calimpong, 28, nagtamo ng tama ng bala sa dibdib.

Samantala, pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek ni Daryl Cervantes, 28, vendor. Ang suspek at biktima ay magkapit-bahay sa Barangay San Roque, Navotas.

Lumitaw sa imbestigasyon na inimbitahan ni Cervantes si Calimpong upang mag-inuman sa tapat ng kanilang bahay sa nasabing barangay, dakong 7:00 ng umaga nitong Lunes.

Eleksyon

Erwin Tulfo, binisita si ex-VP Leni: 'Set aside political colors'

Ang masarap na inuman at kuwentuhan ng dalawa ay nauwi sa mainiting argumento, ayon sa mga saksi.

Dahil sa pagkapikon, umuwi si Cervantes sa kanyang bahay at kumuha ng baril. At sa kanyang pagbalik, pinutukan si Calimpog sa kilikili, dahilan upang tumakbo ang biktima palayo sa lugar.

Hindi pa rin siya tinantanan ni Cervantes at hinabol hanggang sa makorner bago binaril sa dibdib.

Sinabi ni Aimee Coronel, 27, live-in partner ni Calimpog, nagkaalitan na ang biktima at suspek nitong nakaraang buwan subalit agad na namagitan ang mga opisyal ng barangay. (Jel Santos)