Nasa balag ng alanganin ngayon si Dalaguete, Cebu mayor Ronald Allan Cesante dahil umano sa pagpapahintulot nito na gamitin ng kanyang asawa ang apat na commercial unit na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng lungsod noong 2004.

Isinampa kahapon ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), at paglabag sa Article 216 (Possession of Prohibited Interest by a Public Officer) ng Revised Penal Code laban kay Cesante.

Sa kanyang pitong pahinang ruling, kaagad na iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa ng kaso laban sa alkalde matapos nitong ibasura ang isinampang motion for reconsideration.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, natuklasang ginagamit ng Ginang Cesante ang nasabing commercial unit mula pa noong 2004 sa kabila ng kawalan ng kontrata o kabayaran.

National

De Lima, hinamon si Roque na sumuko: 'Hindi 'yung nagtatapangan lang siya!'

Noong 2007, pumirma rin si Cesante sa mga lease contract para sa kanyang asawa kahit hindi ito aprubado ng Sangguniang Bayan. (ROMMEL P. TABBAD)