Pansamantalang isinara sa mga motorista ang isang bahagi ng Osmeña Highway sa Makati City upang bigyang daan ang pagkukumpuni sa Skyway Stage 3 Elevated Expressway project, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Aabot sa 100 metro ng southbound lane ng Osmeña Highway, sa tapat ng Cash and Carry Mall, ang isinara sa mga motorista simula kahapon at ito ay muling bubuksan pagkalipas ng dalawang linggo.
Ayon sa MMDA, ang mga motorista na patungong katimugan ay maaaring dumaan sa Buendia Flyover, patungo sa Skway at-grade at elevated section hanggang EDSA.
Ang mga patungo ng Makati Central Business District ay maaaring tumawid sa Osmeña Highway mula Finlandia Street, patungo sa De la Rosa Street.
Nagtalaga na ng karagdagang traffic enforcer ang MMDA at Makati Public Safety Department sa lugar upang magmando sa daloy ng mga sasakyan. (Anna Liza Villas-Alavaren)