Tiyak na mahihirapan si Pangulong Aquino na panatilihin ang isang regular at masayang relasyon sa nakalipas na anim na taon ng kanyang pagkapangulo.

Inamin kamakailan ng unang binatang presidente ng bansa na nananatiling “zero” ang kanyang love life.

“No change. Pati ‘yung attempts at having one, no change,” sinabi ni Pangulong Aquino sa eksklusibong panayam ng Manila Bulletin.

“It’s still an attempt,” dagdag niya.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Matatandaang ikinumpara ng Pangulo ang kanyang love life sa isang sikat na softdrinks variant, sinabing matagal nang “zero” ang kanyang buhay pag-ibig.

Aniya, naiintindihan niyang maaalangan ang isang babae na maging pampubliko ang buhay nito dahil lamang napaugnay sa kanya.

“May babae bang papayag makipag-date sa iyo? Na kukunan [siya ng picture] ng lahat ng may cell phone, na nag-uunahan kung sinong mag-identify, who never volunteered to be in the public limelight,” sabi ni Aquino.

Gayunman, sinabi ni Aquino, ngayon ay 56 na taong gulang, na umaasa siyang makapag-aasawa pa rin siya.

“Siyempre habang may buhay, may pagasa,” aniya, idinagdag na umaasa siyang hindi na masyadong aakit ng atensiyon ng publiko kapag nagsimula siyang makipag-date uli bilang citizen Noynoy.

Sa nakalipas na mga taon ay ilang babae na ang napaugnay kay Pangulong Aquino mula nang maging presidente siya, simula sa dati niyang nobya na si dating Valenzuela City Councilor Shalani Soledad, na asawa na ngayon ni Pasig City Rep. Roman Romulo; ang stylist na si Liz Uy; ang stock broker na si Len Lopez; ang gurong si Bunny Calica; ang Filipino-Korean TV host na si Grace Lee; at si Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach. (Madel Sabater-Namit)