Maaaring hindi sila nagkakasundo sa ilang usapin ngunit maganda ang kombinasyon nina incoming President Rodrigo Duterte at incoming Vice President Leni Robredo, batay sa feng shui chart, ayon kay Master Hanz Cua.
“It’s good because Duterte has strong Yang Fire element while Leni has Yang Water element.There’s too much Fire on President Duterte and he needs the Water element to balance. Leni is Water,” sinabi ni Cua sa isang eksklusibong panayam kahapon.
“Too much Fire element is not good while lack of Fire element is also not good. Here comes Leni who is the supporting element of the strong Fire,” dagdag niya.
Ayon kay Cua, unpredictable ang mga Water element. “They represent a collection of wisdom. It’s like a never-ending flow of water, it goes where it want to go.”
“Ginagawa nila (water people) ang gusto nilang gawin. Sinasama niya ang ibang tao sa agos ng kanyang buhay. Water people are not afraid to sacrifice small things for the good of the majority,” ani Cua.
Bagamat sa ngayon ay mistulang hindi pa nagkakapalagayang loob sina Duterte at Robredo, sinabi ni Cua: “Magiging OK din sila.”
Maging ang animal signs nina Duterte, 71, at Robredo, 52, ay magandang kombinasyon din, ayon kay Cua.
Si Duterte, na isinilang noong Marso 28, 1945, ay nasa ilalim ng Rooster sign, samantala Dragon naman si Robredo na ipinanganak noong Abril 23, 1964. “Rooster and Dragon are a wonderful pair,” ani Cua. (ROBERT R. REQUINTINA)