Isang 17-anyos na binatilyo ang namatay makaraan siyang maputukan ng sumpak na napulot ng kanyang kaibigan sa Caloocan City, nitong Biyernes ng hapon.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center si John Kenneth Natividad, ng M. Hizon Street, Barangay 63, ng nasabing lungsod, dahil sa tama sa leeg.

Sa report ni PO2 Michael Olpindo, dakong 1:20 ng hapon at naggagala sa 10th Avenue public market sa Bgy. 63 ang biktima nang lapitan siya ng kaibigang si Christopher Tulagan at ipinakita ang umano’y napulot nitong improvised gun o sumpak.

Kinuha ito ni Natividad at pinaglaruan, pero hindi niya alam na may bala ito hanggang sa kalabitin niya at pumutok. (Orly L. Barcala)

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van