Nalimas ang libu-libong pisong halaga ng kalakal ng isang lady tabloid reporter matapos mabiktima ng mga hinihinalang miyembro ng “Akyat-Bahay” sa Marikina City.

Hiniling ng biktimang si Elma Guido, reporter ng Pilipino Mirror at residente ng South Rim View Park, SSS Village, Marikina City, ang tulong sa Marikina City Police matapos pasukin ang kanyang bahay at tangayin ang kanyang mga itinitindang produkto.

Ayon kay Guido, dumarami na ang insidente ng panloloob, snatching at iba pang krimen sa kanilang lugar kaya umaapela siya sa pulisya na mas dalasan ang pagpapatrulya sa kanilang komunidad.

Nadiskubre ni Guido na nawawala na ang kanyang mga kalakal matapos na dumating sa kanyang bahay ang isang kostumer upang bumili ng ilang kitchenware.

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo

Kabilang sa mga natangay ang isang dosenang kahon ng mini chopper, dalawang piraso ng belt sander, isang electric shaver, at anim na kahon na naglalaman ng 24 unit ng iPhone 5 cell phone.

Humingi na rin ng tulong si Guido sa mga opisyal ng barangay hinggil sa naturang insidente. (Madelynne Dominguez)